Quantcast
Channel: Tagalog Mass Readings | awitatpapuri.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 4186

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hulyo 29, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=XIHMs2fWesw

Paggunita kay Santa Marta
Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Exodo 34, 29-35
Salmo 98, 5. 6. 7. 9

D’yos na Makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Juan 11, 19-27

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hulyo 29, 2015
Paggunita kay Santa Marta
Miyekules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Exodo 34, 29-35

Pagbasa mula sa aklat ng Ecodo

Mula sa Bundok ng Sinai, bumaba sa Moises na dala ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng mga utos. Hindi niya namamalayan na dahil sa pakikipag-usap niya sa Panginoon ay nagniningning pala ang kanyang mukha. Nang makita ito ni Aaron at ng mga Israelita, natakot silang lumapit. Kaya tinawag sila ni Moises. Lumapit naman si Aaron at ang mga lider sa Israel at sila’y nag-usap. Pagkaraan noon, lumapit s aknila ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila ni Moises ang mga utos na ibinigay sa kanya ng Panginoon nang sila’y mag-usap sa Bundok ng Sinai. Pagkasabi nito, tinakpan niyan ang kanyang mukha. Tuwing papasok si Moises sa tabernakulo upnag makipag-usap sa Panginoon, inaalis niya ang takip ng kanyang mukha. Paglabas, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang iniuutos ng Panginoon, at makikita na naman nila na nagniningning ang kanyang mukha. Sa gayun, tatakpan niya uli ito hanggang sa mula niyang pakikipag-usap sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 9

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
Sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dpaat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

Tugon: D’yos na makapangyarihan, Ikaw ay tunay na banal.

MABUTING BALITA
Juan 11, 19-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga Judio ang dumalaw kina Marta at Maria upang sila’y aliwin. Nang marinig ni Marta na dumarating si Hesus, sinalubong niya ito; ngunit si Maria’y naiwan sa bahay. Sinabi ni Marta, “Panginoon, kung kayo po’y narito, hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngunit nalalaman kong kahit ngayo’y ibibigay sa iyon ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.” “Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” wika ni Hesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya’y mabubuhay uli sa huling araw, sa muling pagkabuhay.” Sinabi naman ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay, at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay kailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?” “Opo, Panginoon!” sagot niya. “Nananalig ako sa inyo. Kayo po nag Anak ng Diyos, ang Mesiyas na inaasahang paparito sa sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 4186

Trending Articles