Quantcast
Channel: Tagalog Mass Readings | awitatpapuri.com
Viewing all 4186 articles
Browse latest View live

Mga Pagbasa – Linggo, Mayo 31, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=Qs1S8tefzxQ

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (B)

Deuteronomio 4, 32-34. 39-40
Salmo 32, 4-5. 6 at 9. 18-19. 20 at 22

Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

Roma 8, 14-17
Mateo 28, 16-20

Mga Pagbasa – Linggo, Mayo 31, 2015
Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (B)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 4, 32-34. 39-40

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Isipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng Panginoon sa Egipto? Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa’y walang ibang diyos liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyo sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 4-5. 6 at 9. 18-19. 20 at 22

Tugon: Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Tugon: Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

Sa utos ng Poon, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa’t talang maririkit;
ang buong daigdig sa kanyang salita
ay pawang nayari, lumitaw na bigla.

Tugon: Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
Hindi babayaang sila ay mamatay,
kahit magtataggutom sila’y binubuhay.

Tugon: Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,
yaman ang pag-asa’y sa ‘yo nasasalig!

Tugon: Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos.

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyo alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mga Pagbasa – Lunes, Hunyo 01, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=Mf2QyHN4y5Q

Lunes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Tobit 1, 3; 2, 1a-8
Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6

Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob.

Marcos 12, 1-12

Mga Pagbasa – Lunes, Hunyo 01, 2015
Lunes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Paggunita kay San Justino, martir

UNANG PAGBASA
Tobit 1, 3; 2, 1a-8

Ang simula ng aklat ni Tobit

Sa buong bahay ko, akong si Tobit, ay nagsumikap na mamuhay nang matapat sa kalooban ng Diyos. Inugali ko ang pagkakawanggawa, at naglingkod ako sa aking mga kamag-anak at mga kababayan na kasama kong napatapon bilang bihag sa Ninive, Asiria.

Nang makabalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawa at anak ay panahon ng pagdiriwang ng Pentekostes, ang Pista ng Pitong Linggo, at hinandugan nila ako ng isang masarap na salu-salo. Nang makita kong nakahain na ang masarap na pagkain, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang wika ko, “humanap ka rito sa Ninive ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin siya rito at anng makasalo ko. Daliin mo. Hihintayin kita.”

Lumabas nga si Tobias upang humanap ng makakasalo ng kanyang ama. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!” “Bakit? Anong nangyari, anak?” tugon ng ama. “May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot ng anak. Dahil sa narinig ko’y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw. Matapos kong gawin ito, nagbalik ako sa amin, naglinis ng katawan, at kumaing nalulumbay. Noon ko nagunita ang pahayag ni Propeta Amos sa mga taga-Betel:

“Ang inyong pagdiriwang ay magiging pagdadalamhati
At ang inyong kasayahan ay magiging panaghuyan.”

Nanangis ako.

Paglubog ng araw, lumabas ako at humukay ng paglilibingan, at ibinaon doon ang bangkay. Sa ginawa kong ito, pinagtawanan ako ng aking mga kapitbahay. Ang sabi nila, “Hindi na ba nadala ang taong ito? Ipinadakip na siya para patayin sa ganito ring kasalanan; ngayo’y naglibing na naman!”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
Siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob.

Magiging sagana sa kanyang tahanan
katarungan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanang.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob.

Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa D’yos na magandang-loob.

MABUTING BALITA
Marcos 12, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.

“Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
At ito’y kahanga-hanga!’”

Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 02, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=lrOc_MNICkU

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 02, 2015
Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Tobit 2, 9-14
Salmo 111, 1-2. 7bk-8.9

Sa Poong D’yos nasasalig ang puso ng taong mat’wid.

Marcos 12, 13-17

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 02, 2015
Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Tobit 2, 9-14

Pagbasa mula sa aklat ni Tobit

Akong si Tobit, pag-uwi ko nang gabi ng Pentekostes, pagkatapos ilibing ang mga patay ay natulog sa aming bakuran. Hindi na ako nagtakip ng mukha dahil sa init. Hindi ko napunang may mga maya palang nakahapon sa tapat ng himlayan ko. Ang mainit pang ipot ng mga ito’y pumatak sa aking mga mata at lumikha ng kulaba. Sumangguni ako sa mga manggagamot ngunit wala silang nagawa. Ang kanilang mga gamot na inilalagay ay lalong nakapaglubha hanggang sa ako’y tuluyang nabulag. Apat na taon akong hindi makakita, at gayun na lamang ang pagkabahala ng aking mga kasamahan. Dalawang taon akong inalagaan ni Ahikar hanggang sa siya’y magpunta sa Elam.

Ang asawa kong si Ana ay nagtrabahao bilang manghahabi nang panahong iyon para kumita ng ikabubuhay namin. Pagkahatid ng kanyang mga ginawa ay binabayaran namin siya agad ng may-ari. Minsang nagtatapos ang panahon ng taglamig, naghatid siya ng mga nayari niya. Nakuha agad niya ang buong kabayaran at binigyan pa siya ng kambing. Umuwi siyang akay ang kambing. Pagpasok niya, humalinghing ang kambing, kaya’t nang marinig ko’y tinawag ko siya at sinabi, “Saan galing ang kambing na iyan? Marahil ay nakaw, ano? Hala, ibalik mo iyan! Hindi tayo dapat kumain ng nakaw!” Ngunit ito ang tugon niya sa akin, “Iyan ay dagdag sa upa sa aking ginawa.” Hindi kosiya pinaniwalaan; pilit kong ipinababalik ang kambing sa may-ari nito. Galit na galit ako sa aking asawa dahil dito. Kaya’t sinumbatan niya ako. Sinabi niya, “Ngayon, nasaan ang iyong pagkakawanggawa? Nasaan ang mga ginawa mong kapuri-puri? Sa wakas, lumabas din ang tunay mong pagkatao.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 7bk-8. 9

Tugon: Sa Poong D’yos nasasalig ang puso ng taong mat’wid.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Tugon: Sa Poong D’yos nasasalig ang puso ng taong mat’wid.

Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos.
Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.

Tugon: Sa Poong D’yos nasasalig ang puso ng taong mat’wid.

Mabait nalubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.

Tugon: Sa Poong D’yos nasasalig ang puso ng taong mat’wid.

MABUTING BALITA
Marcos 12, 13-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Hesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, “Guro, nalalaman po naming kayo’y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?” Ngunit batid ni Hesus na sila’y nagkukunwari, kaya’t sinabi niya sa kanila, “Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko.” At kanilang binigyan siya. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Hesus. “Sa Cesar po,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.” At sila’y namangha sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hunyo 03, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=NQ1kg8ZJnNs

Paggunita kina San Carlos Luwanga at mga kasama, mga martir
Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Tobit 3, 1-11a. 16-17a
Salmo 24, 2-4a. 4b-5ab. 6-7bk. 8-9

Sa ‘yo ako’y tumatawag, Poong D’yos na nagliligtas.

Marcos 12, 18-27

Mga Pagbasa – Huwebes, Hunyo 04, 2015

Mga Pagbasa – Biyernes, Hunyo 05, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=wegQ4YQozfc

Paggunita kay San Bonifacio, obispo at martir
Biyernes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Tobit 11, 5-17
Salmo 145, 2abk. 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Marcos 12, 35-37

Mga Pagbasa – Sabado, Hunyo 06, 2015

Mga Pagbasa – Linggo, Hunyo 07, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=XSkfBUEgz8M

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (B)

Exodo 24, 3-8
Salmo 115, 12-13. 15 at 16bk. 17-18

Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y handog.

Hebreo 9, 11-15
Marcos 14, 12-16. 22-26


Mga Pagbasa – Lunes, Hunyo 08, 2015

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 09, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=T5ZdZT6JolM

Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 1, 18-22
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Mateo 5, 13-16

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 09, 2015
Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 1, 18-22

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kung paaanong ang Diyos ay tapat, gayun din ang salita ko sa inyo: ang “Oo” ngayon ay mananatiling “oo.” Ang Anak ng Diyos, si Hesukristo na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo ay hindi “Oo” ngayon at pagkatapos ay “Hindi.” Siya’y nananatiling “Oo,” sapagkat siya ang katuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Dahil sa kanya, nakasasagot tayo ng “Amen” sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang Diyos ang nagpatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo, at siya rin ang humirang sa amin. Tinatakan niya kami at pinagkalooban ng kanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparin niya ang kanyang pangako.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo,
iya’y aking iingata’t susundin nang buong puso.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Ang liwanag ng turo mo’y nagsisilbing isang tanglaw,
nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Ako’y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingunin,
at sa mga taong tapat, iparis mo ang pagtingin.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Sang-ayon sa pangako mo, h’wag mo akong babayaang
mahulog sa gawang lisya at ugaling mahahalay.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

Sa buhay ko’y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,
at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

Tugon: Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hunyo 10, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=ZAezFoa09_E

Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 3, 4-11
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

Mateo 5, 17-19

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hunyo 10, 2015
Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 3, 4-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ang aming pagtitiwalang ito sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming sapat na kakayahang gawin ito; ang Diyos ang nagkaloob nito sa amin. Niloob niyang kami’y maging lingkod ng bagong tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang natititik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay-buhay.

Nang ibigay ang alituntunin ng paglilingkod na nakatitik sa tinapyas na bato, kalakip na nahayag ang kaningningan ng Diyos, anupat hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises bagamat ang kaningningang ito’y lumipas. Kung ang paglilingkod na batay sa Kautusang nakatitik na nagdala ng kamatayan ay dumating na may kalakip na kaningningan, gaano pa kaya ang paglilingkod ayon sa Espiritu? Kung may kaningningan ang paglilingkod na nagdudulot ng hatol na kamatayan, lalo pang maningning ang paglilingkod na ang dulot ay pagpapawalang-sala, Dahil dito, masasabi natin na ang dating ningning ay wala na sapagkat nahalinhan ng lalo pang maningning. Kung may kaningningan ang lumilipas, higit ang kaningningan noong nananatili magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

O Poon na aming Diyos, sinagot mo sila agad
at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;
ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa’y hindi tumpak.

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dapat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

Tugon: D’yos na Makapangyarihan, ikaw ay tunay na banal.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Huwebes, Hunyo 11, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=1cNt6k4fVaY

Paggunita kay San Bernabe, apostol

Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3
Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6

Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Mateo 10, 7-13

Mga Pagbasa – Huwebes, Hunyo 11, 2015
Paggunita kay San Bernabe, apostol

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, maraming naniwala at nanalig sa Panginoon.

Nabalitaan ito ng simbahan sa Jerusalem, kaya’t sinugo nila sa Antioquia si Bernabe. Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon. Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at matibay ang pananampalataya, kaya marami siyang nadala sa Panginoon.

Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, at nang kanyang matagpuan ay isinama sa Antioquia. Isang taong singkad silang nanatili roong kasa-kasama ng simbahan, at nagturo sa maraming tao. At doon sa Antioquiao unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad.

May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquiao. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6

Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay.
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Tugon: Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

MABUTING BALITA
Mateo 10, 7-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. Huwag kayong magdala ng salapi—maging ginto, pilak o tanso—sa inyong mga lukbutan. Huwag din kayong magdal ang supot sa inyong paglalakbay, ni bihisan, pampalit na panyapak, o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kanyang ikabubuhay.

“At saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan, at manatili kayo roon habang kayo’y nasa lugar na iyon. Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung karapat-dapat ang mga tao sa bahay na iyon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong bati. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Hunyo 12, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=9l5mhOozF1A

Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (B)

Oseas 11, 1. 3-4. 8k-9
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

Efeso 3, 8-12. 14-19
Juan 19, 31-37

Mga Pagbasa – Biyernes, Hunyo 12, 2015
Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus (B)

UNANG PAGBASA
Oseas 11, 1. 3-4. 8k-9

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Oseas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Nang bata pa ang Israel, siya’y aking minahal na parang tunay na anak, at inilabas ko siya sa Egipto.

Ako ang nagturo kay Efraim na lumakad, kinalong ko siya; subalit hindi nila alam na ako ang nangangalaga sa kanila.

Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamalasakit at pagmamahal; ang katulad ko’y isang nag-aalis ng busal sa kanilang bibig, at yumuko ako upang sila’y mapakain.

Nagtatalo ang loob ko at nananaig sa aking puso ang malasakit at awa.

Hindi ko ipadarama ang bigay ng aking poot.

Hindi ko na muling sisirain ang Efraim; sapagkat ako’y Diyos at hindi tao, ang Banal na nasa kalangitan ninyo, ay hindi ako naparito upang magwasak.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6

Tugon: May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

Ang Diyos ang siyang nagliligtas sa akin,
tiwalang-tiwala ako at wala munti mang pangamba.
Sapagkat ang Poon ang lahat sa akin,
siya ang aking awit, ang aking kaligtasan.
Malugod kayong sasalok ng tubig at batis ng kaligtasan.

Tugon: May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

Magpasalamat kayo sa Poon
Siya ang inyong tawagan;
Ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang ginawa.
Ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

Tugon: May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

Umawi kayo ng papuri sa Poon,
sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ipahayag ninyo ito sa buong daigdig.
Mga anak ng Sion, umawit kayo nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal ng Israel.

Tugon: May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 3, 8-12. 14-19

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, ako ang pinakahamak sa mga hinirang ng Diyos. Gayunma’y minarapat niyang ipagkaloob sa akin ang gawaing ito: ipahayag sa mga Hentil ang Mabuting Balita tungkol sa masagana at di-malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Kristo, at ipaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ang lihim na panukala ng Diyos. Ito’y matagal na panahong inilihim ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, upang sa pamamagitan ng simbahan ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga may kapangyarihan doon sa kalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa iba’t ibang paraan. Alinsunod ito sa walang hanggang panukala na isinakatuparan niya kay Kristo Hesus na ating Panginoon. Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob.

Dahil dito, ako’y naninikluhod sa Ama, na siyang pinagtutularan ng pagkaama sa bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang inyong buhay espirituwal sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa’y manahan si Kristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Kristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Juan 19, 31-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali ninto ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig. Ang nakakito nito ang nagpapatotoo — tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya – upang kayo’y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ng kasulutan, “Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.” At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Sabado, Hunyo 13, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=atVDwJ_vumU

Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan

Isaias 61, 9-11
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Lucas 2, 41-52

Mga Pagbasa – Sabado, Hunyo 13, 2015
Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ni Maria
Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan

UNANG PAGBASA
Isaias 61, 9-11

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias

Itong lahi ng aking bayan
ay makikilala sa lahat ng bansa,
pati anak nila’y
makikilala rin sa gitna ng madla;
sila’y kikilanling anak ng Panginoon saanman makita,
at tatawaging bayang pinagpala, hinirang ng Panginoon.
At ang Jerusalem
sa ginawang ito’y pawang malulugod,
anaki’y dalagang gayak ay pangkasal,
siya’y parang dinamtan
ng kaligtasan at pagtatagumpay.
Kung paanong ang binhi
ay tiyak na tutubo at sisibol,
gayun ang pagliligtas ng Panginoon
sa bayang kanyang hinirang.
Dahil dito, lahat ng bansa
ay magpupuri sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Pinupuri ko kayo, Poon,
dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapaupa para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin.
Maaari ring ibaba o itaas.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Napadadakila ninyo kahit ang pinakaaba,
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 41-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta sa Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa main? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Linggo, Hunyo 14, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=-0ERs_lOd0E

Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ezekiel 17, 22-24
Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16

Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

2 Corinto 5, 6-10
Marcos 4, 26-34

Mga Pagbasa – Linggo, Hunyo 14, 2015
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 17, 22-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito nga ang ipinasasabi ng Panginoon, “Kukuha ako ng isang usbong ng sedro at aking iaayos. Ang kukunin ko’y yaong pinakamura ng pinakamataas na sanga. Itatanim ko isa isang mataas na bundok, sa pinakamataas na bundok ng Israel upang lumago at mamungang mabuti at maging isang kahanga-hangang sedro. Sa gayun, lahat ng uri ng hayop ay makapaninirahan sa ilalim nito. Ang mga ibon nama’y makamumugad sa mga sanga nito. Kung magkagayon, malalaman ng lahat ng punongkahoy na mapabababa ko ang mataas na kahoy at maitataas ko yaong mababa; na matutuyo ko ang sariwang kahoy at mapananariwa ko yaong tuyong punongkahoy. Akong Panginoon ang nagsasabi nito at ito’y gagawin ko.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 91, 2-3. 13-14. 15-16

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Ang magpasalamat
sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay,
Umawit na lagi
purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Pag-ibig n’yang wagas
ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway,
pagsapit ng gabi
ang katapatan n’ya’y ihayag din naman.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Katulad ng palma,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
parang mga sedro,
kahoy sa Libano, lalagong mainam.
Parang punongkahoy
na doon natanim sa tahanan ng Diyos,
sa banal na templo
ito ay lalago na nakalulugod.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Tuloy ang pagbunga
kahit na ang punong ito ay tumanda,
luntia’t matatag,
at ang dahon nito ay laging sariwa.
Ito’y patotoo
na ang Panginoo’y tunay na matuwid,
Siya kong sanggalang,
matatag na batong walang bahid dungis.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 5, 6-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, laging malakas ang aking loob. Alam ko na habang tayo’y nasa tahanang ito, ang ating katawan, hindi mapapasaatin ang tahanang galing sa Panginoon. Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos, hindi sa mga bagay, na nakikita. Malakas nga ang loob kong iwan ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais ko ay maging kalugud-lugod sa kanya, sa tahanang ito o doon man sa langit. Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Kristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Marcos 4, 26-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na gawain; tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano. Ang lupa’y siyang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim: usbongmuna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga buti! Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat nang anihin.

“Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?” sabi pa ni Hesus. “Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan tio? Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Kapag natanim na at lumago, ito’y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito.”

Ang Salita’y ipinangaral ni Hesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito, ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa. Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa kanyang mga alagad ang lahat ng bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mga Pagbasa – Lunes, Hunyo 15, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=rwQn5MIusXo

Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 6, 1-10
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas.

Mateo 5, 38-42

Mga Pagbasa – Lunes, Hunyo 15, 2015
Lunes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 6, 1-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, yamang kami’y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya:

“Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas.!

Iniwasan kong makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aking paglilingkod. Sa halip, ipinakikilala ko sa lahat ng paaraan na ako’y lingkod ng Diyos: sa pagtitiis ng kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan. Ako’y hinagupit, ibinilnaggo at binugbog. Naranasan ko ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, ang di kumain ng ilang araw. Ipinakilala kong ako’y lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay, kaalaman, pagpapahinuhod, kabutihang-loob, ganoon din sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tapat na pag-ibig, tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban at pananggalang. Naranasan kong parangalan at siraang-puri, laitin at papurihan. Ako’y itinuring na sinungaling, gayong katotohanan ang aking sinasabi. Ako’y itinuring na di kilala kahit kilalang-kilala; halos mamamatay na, ngunit malakas na malakas. Kahit ako’y pinarurusahan, hindi ako namamatay; inaring hapis na hapis, gayunma’y laging nagagalak; mukhang mahirap, nugnit nagpapayaman sa marmai; waring walang-wala, ngunit akin ang lahat ng bagay.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Tugon: Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

Tapos siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon: Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na sinabi: ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyo labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 16, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=2JewMQun2oM

Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 8, 1-9
Salmo 145, 2. 5-6. 7. 8-9a.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Mateo 5, 43-48

Mga Pagbasa – Martes, Hunyo 16, 2015
Martes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 8, 1-9

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Ibig kong ibalita sa inyo, mga kapatid, ang nagawa ng pag-ibig ng Diyos sa mga simbahan sa Macedonia. Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito’y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. At sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukas ang palad sa pagbibigay. Sila’y kusang-loob na nag-aabuloy hindi lamang ayon sa kanilang kaya, kundi, higit pa. Alam ko ito pagkat mahigpit nilang ipinamanhik sa akin na sila’y bigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kapatid sa Judea. At higit pa sa inaasahan ko; inilaan nila ang kanilang sarili, una sa Panginoon, at pagkatapos, sa amin, ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya’t pinakiusapan ko si Tito, yamang siya ang nagsimula nito, na kayo’y tulungan niya hanggang sa malubos ang pagkakawanggawa ninyo ito. Kayo’y tanyag sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin din ninyong manguna kayo sa pagkakawanggawa.

Hindi sa inuutusan ko kayo; sinasabi ko lamang sa inyo ang ginagawang pagtulong ng iba upang masubok ang katapatan ng inyong pag-ibig. Alam ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo na bagamat mayaman ay nagpakadukha upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kanyang karukhaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 2. 5-6. 7. 8-9a.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

O kaluluwa ko, ang Diyos papurihan!
Pupurihin siya’t aking aawitan;
aking aawitan habang ako’y buhay.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos
na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;
sa Diyos na Panginoon, umaasang lubos.
Sa Diyos na lumikha niyang kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag:
Isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 43-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyo iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hunyo 17, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=EFwWdieok0o

Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 9, 6-11
Salmo 111, 1-2. 3-4. 9

Mapalad s’ya na may takot sa Diyos na magandang-loob.

Mateo 6, 1-6. 16-18

Mga Pagbasa – Miyerkules, Hunyo 17, 2015
Miyerkules ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 9, 6-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami. Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan — upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan:

“Siya’y namudmod sa mga dukha;
walang hanggan ang kanyang kabutihan.”

Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang inyong kabutihang loob. Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marmai. Sa gayo’y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong pagtulong na dadalhin ko sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 1-2. 3-4. 9

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa Diyos na magandang-loob.

Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
siyang sumusunod nang buong alindog.
Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
pati mga angkan ay pinagpapala.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa Diyos na magandang-loob.

Magiging sagana sa kanyang tahanan
katarungnan niya’y walang katapusan.
Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanag.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa Diyos na magandang-loob.

Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas.
Buong karangalan siyang itataas.

Tugon: Mapalad s’ya na may takot sa Diyos na magandang-loob.

MABUTING BALITA
Mateo 6, 1-6. 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagkamaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilios. At gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig siyang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: itnanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Huwebes, Hunyo 18, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=KJZAlmMJxug

Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 11, 1-11
Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Poon, ang gawa mo’y ganap, maaasahan at tapat.

Mateo 6, 7-15

Mga Pagbasa – Huwebes, Hunyo 18, 2015
Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 11, 1-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ipagpaumanhin ninyo kung ako’y nag-uugaling hangal. Nakadarama ako ng maka-Diyos na panibughol tulad kayo ng isang malinis na dalagang ipinakipagtipan ko sa isang lalaki, kay Kristo. Ngunit nag-aalaala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Kristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Hesus kaysa ipinangaral ko. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro ko sa inyo.

Palagay ko nama’y hindi ako huli sa magagaling na mga apostol na iyan. Maaaring hindi ako mahusay magsalita, ngunit hindi naman kapos sa kaalaman. Ipinakilala ko ito sa inyo sa lahat ng pagkakataon.

Ipinangaral ko sa inyo ang Mabuting Balita ngunit hindi ako humingi ng kabayaran. Ako’y nagpakaaba upang mataas kayo. Masasabi bang kasalanan ko ito? Ibang simbahan ang nagbibigay ng mga kailangan ko noon ako’y naglilingkod sa inyo; wari bang inaagawan ko sila, matulungan lamang kayo. At nang ako’y kapusin diyan, hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo sapagkat dinalhan ako ng tulong ngmga kapatid sa Macedonia. Mula’t sapul ay iniwasan kong makabigat sa inyo sa anumang paraan at iyan ang gagawin ko habang panahon. Sa ngalan ni Kristo na sumasaakin, hindi ko ititigil ang pagmamapuring ito kahit saan diyan sa Acaya. Bakit ko ginawa ito? Dahil ba sa di ko kaya mahal? Alam ng diyos, mahal na mahal ko kayo!

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 7-8

Tugon: Poon, ang gawa mo’y ganap, maaasahan at tapat.

Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.

Tugon: Poon, ang gawa mo’y ganap, maaasahan at tapat.

Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.

Tugon: Poon, ang gawa mo’y ganap, maaasahan at tapat.

Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,
at maaasahan lahat niyang batas.
Ito ay lalagi at di magwawakas,
pagkat ang saliga’y totoo’y matapat.

Tugon: Poon, ang gawa mo’y ganap, maaasahan at tapat.

MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng iyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin:

‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.

Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng iyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Hunyo 19, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=bklZfL3FwVM

Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 11, 18. 21b-30
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Mateo 6, 19-23

Mga Pagbasa – Biyernes, Hunyo 19, 2015
Biyernes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 11, 18. 21b-30

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, yamang marami ang nagmamapuri tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magmamapuri.

Kung may nakapagmamapuri, ako’y makapagmamapuri din — ako’y nagsasalitang tulad ng isang mangmang. Sila ba’y Hebreo? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Lipi na sila ni Abraham? Ako’y gayun din. Sila ba’y mga lingkod ni Kristo? Nagsasalita akong waring isang baliw, ngunit ako’y mas mabuting lingkod ni Kristo kaysa kanila. Higit ang aking pagpapagal; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan. Makalima akong tumanggap ng tatlumpu’t siyam na palo mula sa mga Judio, tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsang binato. Makaitlo kong naranasang mawasak ang barkong sinasakyan at minsa’y maghapo’t magdamag akong lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nasuong ako sa iba’t ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lungsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid. Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, matinding gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal. Bukod sa lahat ng iyan, inaalaala ko pa araw-araw ang mga simbahan. Kung may nanghihina, karamay nila ako; at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang kalooban ko.

Kung kailangang ako’y magmapuri, ang ipagmamapuri ko’y ang aking mga kahinaan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Tugon: Mat’wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

MABUTING BALITA
Mateo 6, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag kayong mag-impok ng kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang, at may nakapapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawag, at walang nakapapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Viewing all 4186 articles
Browse latest View live