Quantcast
Channel: Tagalog Mass Readings | awitatpapuri.com
Viewing all 4215 articles
Browse latest View live

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 17, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=8ShLMdoW6hc

Ika-17 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Genesis 49, 2. 8-10
Salmo 71, 2. 3-4ab. 7-8, 17

Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

Mateo 1, 1-17

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 17, 2015
Ika-17 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Genesis 49, 2. 8-10

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, tinawag ni Jacob ang mga anak niya at kanyang sinabi:

“Kayo mga anak, magsilapit sa akin,
akong inyong ama ay sumandaling dinggin.
Ikaw, Juda, ay papupurihan
niyong mga anak ng Ina mong mahal,
hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,
lahat mong kapatid sa iyo’y gagalang.
Mabangis na leon, ang iyong larawan,
muling nagkukubli matapos pumatay;
ang tulad ni Juda’y leong nahihimlay,
walang mangangahas lumapit sinuman.
Hawak niya’y setrong tuon sa paanan,
sagisag ng lakas at kapangyarihan;
ito’y tataglayin hanggang sa dumatal
ang tunay na Haring dito’y magtatangan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2. 3-4ab. 7-8, 17

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran:
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;
maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap
at ang mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap.

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,
mula sa ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan,
manatiling laging bantog na katulad nitong araw;
nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,
at sa Diyos, silang lahat dumalanging:
“Harinawa pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.”

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal sa sasagana kailanman.

MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-17

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Samaktwid, labing-apat ang salin-lahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 18, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=iYyYAoe8pKM

Ika-18 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Jeremias 23, 5-8
Salmo 71, 2; 12-13. 18-19

Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Mateo 1, 18-24

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 18, 2015
Ika-18 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Jeremias 23, 5-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Nalalapit na ang araw,” sabi ng Panginoon, “na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: ‘Ang Panginoon ay Matuwid.’”

Sinasabi ng Panginoon, “Darating nga ang panahon na ang mga tao’y di na manunumpa nang ganito: ‘Nariya’t buhay ang Panginoong nagpalaya sa Israel mula sa Egipto.’ Sa halip, sasabihin nila, ‘Saksi ko ang Panginoon na nagpalaya sa mga Israelita mula sa lupain sa hilaga at sa lahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Babalik sila sa sariling lupa at doon muling mamumuhay.’”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2; 12-13. 18-19

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran,
sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;
sa ganitong mga tao siya’y lubhang nahahabag;
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Ang Poong Diyos ng Israel, purihin ng taong madla;
ang kahanga-hangang bagay tanging siya ang may gawa.
Ang dakilang ngalan niya ay purihin kailanman,
at siya ay dakilain nitong buong sanlibutan! Amen! Amen!

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

MABUTING BALITA
Mateo 1, 18-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose na nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,
At tatawagin itong “Emmanuel,”
ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos”.

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Sabado, Disyembre 19, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=tqGM4CV2tC4

Ika-19 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

Lucas 1, 5-25

Mga Pagbasa – Sabado, Disyembre 19, 2015
Ika-19 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 13, 2-7. 24-25a

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Hukom

Noong mga araw na iyon, sa bayan ng Zora ay may isang lalaking Manoa ang pangalan, kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak. Minsan, napakita sa babae ang anghel ng Panginoon, at sinabi, “Hanggang ngayo’y wala kang anak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Mula ngayon at huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain. Kung maipanganak mo na siya, huwag mong papuputulan ng buhok pagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay itatalaga ng siya sa Diyos. Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.”

Ang babaeng lumapit sa kanyang asawa at kanyang sinabi, “Napakita sa akin ang isang propeta ng Diyos, parang anghel. Kinikilabutan ako! Hindi ko tinanong kung tagasaan siya at hindi naman niya sinabi kung sino siya. Huwag daw akong iinom ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain pagkat ang sanggol na isisilang ko’y itatalaga sa Diyos.”

Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoon. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumukob kay Samson.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 70, 3-4a. 5-6ab. 16-17

Tugon: Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban.

Tugon: Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akong inasahang
mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang.
Tugon: Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,
ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.

Tugon: Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 5-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na.

Ang pangkat ni Zacariaas ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalakim at Juan ang ipangangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang pagsilang sapagkat siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo. Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos. Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”

Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, “Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo. At ngayon, mabibingi ka’t hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.”
Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo. Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya’y nanatiling pipi.

Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan. “Ngayo’y nalingap ako ng Panginoon,” wika ni Elisabet. “Ginawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Linggo, Disyembre 20, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=gvml69X0kvU

Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (K)

Mikas 5, 1-4a
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan.

Hebreo 10, 5-10
Lucas 1, 39-45

Mga Pagbasa – Linggo, Disyembre 20, 2015
Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (K)

UNANG PAGBASA
Mikas 5, 1-4a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Ito ang sinasabi ng Panginoon: Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon; taglay niya ang kadakilaan ng pangalan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay ng ligtas, sapagkat ang haring yaong ay kikilalanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16. 18-19

Tugon: Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan.

Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong takas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!

Tugon: Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan.

Ika’y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito’y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!

Tugon: Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan.

Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami’t di na magtataksil sa ‘yo kailanman,
kami’y pasiglahi’t aming pupurihin ang iyong pangalan.

Tugon: Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami’t tanglawan.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 10, 5-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Noong si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig,
Kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 39-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Lunes, Disyembre 21, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=HsmeSjqVeOo

Ika-21 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Awit 2, 8-14
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

Lucas 1, 39-45

Mga Pagbasa – Lunes, Disyembre 21, 2015
Ika-21 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Awit 2, 8-14

Pagbasa mula sa aklat ng Awit ni Solomon

Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako’y makaniig.
Itong aking mangingibig ay katulad niyong usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana para ako ay makita.
Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang tinuran:
“Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
Bulaklak sa kaparangan tingna’t namumukadkad na,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo’y humuhuni, kumakanta.
Yaong mga bungang igos ay hinog nang para-para,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
Ika’y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang aking ding marinig ang tinig mong ginintuan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 2-3. 11-12. 20-21

Tugon: Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tutog ng alpang marilag!

Tugon: Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

Tugon: Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;
siya ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,
sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.

Tugon: Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 39-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judea. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak niyang sinabi, “Bukod kang pinagpala sa babaing lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Martes, Disyembre 22, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=CvIDp0ZU1gk

Ika-22 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

1 Samuel 1, 24-28
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Lucas 1, 46-56

Mga Pagbasa – Martes, Disyembre 22, 2015
Ika-22 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
1 Samuel 1, 24-28

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa Templo sa silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, tatlumpu’t anim na litrong harina at isang pitsel na alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan ninyo, ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na ako’y pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay niya sa akin. Kaya naman po, inihahandog ko siya sa Panginoon upang maglingkod sa kanya habang buhay.” Pagkatapos nito, nagpuri sila sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Pinupuri ko kayo, Poon,
dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapauna para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapan,
maaari ring ibaba o itaas.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

Mapadadakila ninyo kahit anog pinakaaba,
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.

Tugon: Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 46-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ipinahayag ni Maria ang awit na ito:
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Nanatili si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Miyerkules, Disyembre 23, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=KhiJklP6QWo

Ika-23 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Malakias 3, 1-4. 23-24
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

Lucas 1, 57-66

Mga Pagbasa – Miyerkules, Disyembre 23, 2015
Ika-23 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Malakias 3, 1-4. 23-24

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

Narito ang pahayag ng Makapangyarihang Panginoon, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan.”

Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makahaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng dalisay sa pilak at ginto. Sa gayon, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati. Ngunit bago dumating ang nakahihindik na araw ng Panginoon, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Muling magkakalapit ang loob ng mga ama’t mga anak. Kung hindi’y mapipilitan akong pumariyan at wasakin ang inyong bayan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

Tugon: Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan.

Tugon: Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga sarili’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

Tugon: Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan.

Tugon: Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 57-66

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila sa kanya.

Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – gaya ng kanyang ama – ngunit sinabi ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipangangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat. Pagdaka’y nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang kapit-bahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang kanilang tanong: “Magiging ano nga kaya ang batang ito?” Sapagkat maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 24, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=wFoU8ONLsgo

Pagmimisa sa Bisperas ng Pasko ng Pagsilang

Isaias 62, 1-5
Salmo 88, 4-5. 16-17. 27 at 29

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Mga Gawa 13, 16-17. 22-25
Mateo 1, 1-25

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 24, 2015
Pagmimisa sa Bisperas ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Isaias 62, 1-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem.
Hindi ako tutugon hangga’t hindi siya naililigtas,
hangga’t ang tagumpay niya
ay hindi nagliliwanag
na tulad ng sulo sa gabi.
Ang lahat ng bansa’y
pawang makikita ang iyong tagumpay,
at mamamalas ng lahat ng hari ang iyong kadakilaan.
Ika’y tatawagi’t
bibigyan ng Panginoon ng bagong pangalan.
Ikaw ay magiging magandang korona
sa kamay ng Diyos,
korona ng Panginoong nakalulugod.
Hindi ka na tatawaging “Itinakwil,”
Ni ang lungsod mo’y hindi rin tatawaging
“Asawang Pinabayaan.”
Ang itatawag na sa iyo’y “Kinalugdan ng Diyos,”
At ang lupain mo’y tatawaging “Maligayang Asawa,”
pagkat ang Diyos ay nalugod sa iyo,
at sa lupain mo,
siya ay magiging tulad ng asawa.
At ikaw Israel
ay ituturing niyang kasintahan,
ang manlilikha mo’y pakakasal sa iyo,
kung gaano kaligaya ang kasintahang lalaki
sa araw ng kanyang kasal,
gayun magagalak sa iyo ang Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 4-5. 16-17. 27 at 29

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.
Sabi mo, Panginoon, ika’y may tipan
na iyong ginawa kay David mong hirang
at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,
ang kaharian mo ay mamamalagi.”

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasamba,
sa pagsamba nila’y inaawitan ka
at sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buong maghapon, ika’y pinupuri,
ang katarungan mo’y siyang sinasabi.

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

IKALAWANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 16-17. 22-25

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong dumating si Pablo sa Antioquia ng Pisidia, tumayo siya sa sinagoga at sinenyasan silang tumahimik.

“Mga Israelita at mga taong may takot sa Diyos – makinig kayo! Ang Diyos ng ating bansang Israel ang humirang sa ating mga ninuno. Sila’y ginawa niyang isang malaking bansa samantalang naninirahan sa lupain ng Egipto, inilabas doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan. At nang alisin ng Diyos si Saulo, inihalili si David upang maghari sa kanila. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya. ‘Natagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisiha’t talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit tagaalis ng panyapak.’”

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-25

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Joconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Samaktwid, labing-apat ang salin-lahi mula kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia, at labing-apat din mula sa pagkakatapon sa Babilonia hanggang kay Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose na nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki,
At tatawagin itong “Emmanuel,”
ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos”.

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon; pinakasalan niya si Maria. Ngunit hindi ginalaw ni Jose si Maria hanggang sa maipanganak nito ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 24, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=tH5-brWIO7c

Ika-24 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

2 Samuel 7, 1-5. 8b-12. 14a. 16
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Lucas 1, 67-79

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 24, 2015
Ika-24 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
2 Samuel 7, 1-5. 8b-12. 14a. 16

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang bahay. Sa tulong ng Panginoon, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. Tinawag niya si Natan at sinabi, “Nakikita mong nakatira ako sa tahanang sedro, ngunit ang Kaban ng Tipan ay sa tolda lamang.” Sumagot si Natan, “Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat ang Panginoon ay sumasaiyo.”

Ngunit nang gabing iyo’y sinabi ng Panginoon kay Natan, “Ganito ang sabihin mo kay David: ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? Inalis kita sa pagpapastol ng tupa upang gawing pinuno ng bayang Israel. Kasama mo ako saanmang dako at lahat mong mga kaaway ay aking nilipol. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan tulad ng mga dakilang tao sa daigdig. Bibigyan ko ang Israel ng kanyang lupa at doon ko patitirahin. Wala nang gagambala sa kanila roon: wala nang aalipin sa kanila tulad noong una, buhat nang maglagay ako ng hukom nila. Magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo. Bukod dito, akong Panginoon ay nagsasabi sa iyo: Patatatagin ko ang iyong sambahayan. Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian.’

“Kikilanlin ko siyang anak at ako nama’y magiging ama niya. Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.’”

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;
ang katapatan mo’y laging sasambitin,
yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan
na iyong ginawa kay David mong hirang
at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,
ang kaharian mo ay mamamalagi.”

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Gagawin ko siyang anak na panganay,
mataas na hari nitong daigdigan!
Laging maghahari ang isa n’yang angkan,
sintatag ng langit yaong kaharian.

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 67-79

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, napuspos ng Espiritu Santo si Zacarias na ama ni Juan at nagpahayag ng ganito:

“Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!
Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan,
At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una,
na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,
at sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang
at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Iyan ang sumpang binitawan niya sa ating amang si Abraham,
na ililigtas tayo sa ating mga kaaway,
upang walang takot na makasamba sa kanya,
at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay.
Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan;
sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan,
at ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan,
ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos;
magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan
upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,
at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 25, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=K0T7LXFM_KQ

Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Hatinggabi sa Pasko ng Pagsilang

Isaias 9, 1-6
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13

Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Tito 2, 11-14
Lucas 2, 1-14

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 25, 2015
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Hatinggabi sa Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan.
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
Upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
ang Poon ay papurihan nitong lahat sa daigdig!

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

IKALAWANG PAGBASA
Tito 2, 11-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Pinagkamamahal kong kapatid:
Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang siyang umaakay sa atin upang talikdan ang likong pamumuhay at damdaming makalaman. Kaya’t makapamumuhay tayo ngayon nang maayos, matuwid at karapat-dapat sa Diyos samantalang hinihintay natin ang ating inaasahan – ang dakilang Araw ng paghahayag sa ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesukristo sa gitna ng kanyang kaningningan. Ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayo sa lahat ng kalikuan at linisin para maging kanyang bayan na nakatalagang gumawa ng mabuti.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 1-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang ito’y ginawa nang si Cirenio and gobernador ng Siria. Kaya’t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.

Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose’y pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa na noo’y kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganal ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayun na lamang, “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.”

Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos:

“Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 25, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=XXoRsKEO03w

Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Bukang-liwayway ng Pasko ng Pagsilang

Isaias 62, 11-12
Salmo 96, 1 at 6. 11-12

Sumilang ang Panginoon, liwanag sa atin ngayon.

Tito 3, 4-7
Lucas 2, 15-20

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 25, 2015
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Bukang-liwayway ng Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
Isaias 62, 11-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa buong daigdig, ipinasabi ng Panginoon:
“Ibalita sa mga taga-Jerusalem,
na darating ang Panginoon para sila ay iligtas.
Kasama niya ang lahat ng kanyang iniligtas.”
Ika’y tatawaging “Bayang Banal ng Diyos,”
‘Bayang iniligtas ng Panginoon.’
Ang Jerusalem ay tatawaging
“Lungsod na mahal ng Diyos,”
“Lungsod na Hindi Itinakwil ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1 at 6. 11-12

Tugon: Sumilang ang Panginoon, liwanag sa atin ngayon.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Tugon: Sumilang ang Panginoon, liwanag sa atin ngayon.

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahari’y kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang ito’y dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!

Tugon: Sumilang ang Panginoon, liwanag sa atin ngayon.

IKALAWANG PAGBASA
Tito 3, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Pinakamamahal kong kapatid:
Noong mahayag ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, tayo’y iniligtas niya. Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atin. Sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, ibinubuhos sa atin ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayo’y pabanalin ng kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating inaasahan.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong makaalis na ang mga anghel, pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Betlehem! Tingnan natin itong ibinalita sa atin ng Panginoon.” At nagmamadali silang lumakad, at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Disyembre 25, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=A_bWaFt_Qh4

Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Araw ng Pasko ng Pagsilang

Isaias 52, 7-10
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Hebreo 1, 1-6
Juan 1, 1-18

Mga Pagbasa – Disyembre 25, 2015
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Pagmimisa sa Araw ng Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
Isaias 52, 7-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Magmula sa bundok, O kay gandang masdan
ng sugong dumarating upang ipahayag
ang magandang balita ng kapayapaan.
Ipapahayag niya ang tagumpay
at sasabihin:
“Sion, ang Diyos mo ay hari.”
Narito! Sisigaw ang nagbabantay,
dahilan sa galak, sama-sama silang aawit;
makikita nila ang Panginoon sa Sion ay babalik,
Magsiawit kayo, mga guhong muog nitong Jerusalem;
pagkat ang hinirang ng Diyos na Panginoon
ay kanyang inaliw,
tinubos na niya itong Jerusalem.
Sa lahat ng bansa,
ang kamay ng Poon na tanda ng lakas
ay makikita ng mga nilalang, at ang pagliligtas
nitong ating Diyos tiyak na mahahayag.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambulo,
magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 1, 1-6

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit ngayon, siya’y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob at siya ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay. Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay gayun din ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya’y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.

At kung paanong higit na di-hamak ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Anak, gayun din, siya’y higit na di-hamak sa mga anghel. Sapagkat hindi kailanman sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

“Ikaw ang aking Anak!
Ako ang iyong Ama.”

Ni hindi rin niya sinabi sa kaninuman sa mga anghel,

“Ako’y magiging kanyang Ama,
at siya’y magiging Anak ko.”

At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,

“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Sabado, Disyembre 26, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=Ax03VVLWjSI

Kapistahan ni San Esteban, Unang Martir

Mga Gawa 6, 8-10; 7, 54-59
Salmo 30, 3kd-4. 6 at 8ab. 16bk at 17

Poon, sa mga kamay mo, habilin ko ang buhay ko.

Mateo 10, 17-22

Mga Pagbasa – Sabado, Disyembre 26, 2015
Kapistahan ni San Esteban, Unang Martir

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 6, 8-10; 7, 54-59

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, pinagpala ng Diyos si Esteban at pinuspos ng kapangyarihan, anupat gumawa siya ng maraming himala at kababalaghan sa harapan ng madla. Nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, taga-Alejandria, taga-Cilicia, at taga-Asia. Ngunit wala silang magawa sa karunungan ni Esteban na kaloob ng Espiritu,

Nang marinig ito ng mga bumubuo ng Sanedrin, sila’y nagngalit dahil sa matinding galit kay Esteban. Ngunit si Esteban na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingin sa langit at nakita ang maningning na liwanag sa paligid ng Diyos, at si Hesus na nasa kanyang kanan. “Bukas ang kalangitan,” sabi niya, “at nakikita ko ang Anak ng Tao na nasa kanan ng Diyos.” Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay silang dumaluhong sa kanya. Kinaladkad nila si Esteban hanggang sa labas ng lungsod upang batuhin. Hinubad ng mga saksi ang kanilang mga kasuotan at iniwan sa isang binatang nagngangalang Saulo. At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Hesus, tanggapin mo ang aking espiritu.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 3kd-4. 6 at 8ab. 16bk at 17

Tugon: Poon, sa mga kamay mo, habilin ko ang buhay ko.

Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko’t aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.

Tugon: Poon, sa mga kamay mo, habilin ko ang buhay ko.

Sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko,
Tagapagligtas kong tapat at totoo.
Magbubunyi ako, magsasayang tunay,
sa ‘yong pag-ibig na walang katapusan.
Tugon: Poon, sa mga kamay mo, habilin ko ang buhay ko.

Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig sa sinumang tao.
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!

Tugon: Poon, sa mga kamay mo, habilin ko ang buhay ko.

MABUTING BALITA
Mateo 10, 17-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayun din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at papapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Linggo, Disyembre 27, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=M4l2yos_W6w

Kapistahan ng Banal na Mag-anak Hesus, Maria at Jose (K)

Sirac 3, 3-7. 14-17a
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

Colosas 3, 12-21
Lucas 2, 41-52

Mga Pagbasa – Linggo, Disyembre 27, 2015
Kapistahan ng Banal na Mag-anak Hesus, Maria at Jose

UNANG PAGBASA
Sirac 3, 3-7. 14-17a

Pagbasa mula sa aklat ni Sirac

Ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,
at iniutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.
Ang gumagalang sa kanyang ama’y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
at ang nagpaparangal sa kanyang ina’y parang nag-iimpok ng kayamanan.
Ang gumagalang sa kanyang ama’y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,
at ang panalangin niya’y agad diringgin ng Panginoon.
Ang nagpaparangal sa kanyang ama at nagdudulot ng kaaliwan sa kanyang ina,
ay tumatalima sa Panginoon;
pahahabain ng Diyos ang kanyang buhay.
Anak, kalingain mo ang iyong ama pag siya’y matanda na,
at huwag mo s’yang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay.
Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip;
huwag mo s’yang lalapastanganin ngayon nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.
Ang paglingap mo sa iyong ama ay di makakalimutan ng Panginoon,
iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.
Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos.

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 3, 12-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid:

Kayo’y hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya’t dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at matiisin. Magpaumanhin kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo. At higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang mga salita ni Kristo ay itanim ninyong mabuti sa inyong isip. Magpaalalahanan kayo at magturuan nang buong kaalaman. Umawit kayo ng mga salmo, mga imno, at mga awiting espirituwal, na may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag silang pagmamalupitan.
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat ikinalulugod iyan ng Panginoon.
Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 41-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta ng Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa pag-hahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Lunes, Disyembre 28, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=-vJi76cSmpc

Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir

1 Juan 1, 5 – 2, 2
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay mawasak.

Mateo 2, 13-18

Mga Pagbasa – Lunes, Disyembre 28, 2015
Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir

UNANG PAGBASA
1 Juan 1, 5 – 2, 2

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, ito ang aming narinig kay Hesukristo, at ipinahahayag namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw, at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi nating tayo’y kaisa niya, ngunit namumuhay naman sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay sa katotohanan. Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, kung paanong siya’y nasa liwanag; tayo’y nagkakaisa at nililinis ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan.

Kung sinabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at wala sa atin ang katotohanan. Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama. At iya’y si Hesukristo, ang walang sala. Sapagkat si Kristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tugon: Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay mawasak.

Kung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kami’y salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.

Tugon: Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay mawasak.

Maaaring kami noo’y natangay na niyong agos,
naanod sa karagata’t tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos noo’y nalunod nga kaming lubos.
Tugon: Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay mawasak.

Nang ang bitag ay mawasak lubos tayong nakalaya.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Tugon: Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay mawasak.

MABUTING BALITA
Mateo 2, 13-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

Galit na galit si Herodes nang malamang siya’y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya’t ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook – lahat ng may gulang na dalawang tao pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.

Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias:

“Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy.
Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.
Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mga Pagbasa – Martes, Disyembre 29, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=5CjSryiwGoo

Ika-5 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 3-11
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Lucas 2, 22-35

Mga Pagbasa – Martes, Disyembre 29, 2015
Ika-5 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 3-11

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit sumusuway naman sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kanya nang wagas. Ganito natin nalalamang tayo’y nasa kanya. Ang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pagkapamuhay ni Hesukristo.

Mga minamahal, hindi isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, kundi ang dating utos na nasa inyo na sa simula pa. Ito’y ang salitang narinig na ninyo. Gayunman, maituturing na isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo. Bago, sapagkat napapawi na ng kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. Ang katotohanan nito’y nasaksihan sa buhay ni Kristo at nakikita rin sa atin.

Ang nagsasabing siya’y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang panganib na mabulid siya sa kasalanan. Ngunit ang napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi nalalaman ang kanyang patutunguhan, sapagkat binulag siya ng kadiliman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2a. 2b-3, 5b-6

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya’y sakdal rikit.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Araw-araw ang ginawang pagliligtas ay ilathala.
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Panginoon ang may likha ng buong sangkalangitan.
Naliligid siyang lagi ng dangal at kabanalan,
ang lubos n’yang kagandahan ay sa templo mamamasdan.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong dumating ang araw ng paglilinis sa kanila, ayon sa kautusan ni Moises, ang mga magulang ni Hesus ay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesias na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako,
yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Miyerkules, Disyembre 30, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=ZRaAqvBqQqk

Ika-6 na Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 12-17
Salmo 95, 7-8a. 8b-9. 10

Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Lucas 2, 36-40

Mga Pagbasa – Miyerkules, Disyembre 30, 2015
Ika-6 na Araw na Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 12-17

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat ipinatawad na ang inyong mga kasalanan, alang-alang kay Kristo. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa’y siya na. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat tinalo ninyo ang Masama. Sinulatan ko kayo, mga anak, sapagkat nakikilala ninyo ang Ama. Sinulatan ko kayo, mga ama, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa’y siya na. Sinulatan ko kayo, mga kabataan, sapagkat malalakas kayo; nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at tinalo ninyo siya, ang Masama.

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay sa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan – ang nakapupukaw sa masamang pita ng laman, ang mga nakatutukso sa paningin, at ang karangyaan sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mapaparam ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito; ngunit ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 7-8a. 8b-9. 10

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Panginoon ay purihin ng lahat sa sandaigdigan!
Purihin ang lakas niya at ang kanyang kabanalan!
Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Dumulog sa kanyang templo’t maghandog ng mga alay.
Kung Panginoo’y dumating, sa likas n’yang kabanalan,
humarap na nanginginig ang lahat sa daigdigan.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sanlibuta’y matatag na, kahit ito ay ugain;
sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 36-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, naroon sa templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa ng mga magulang ni Hesus ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang batang si Hesus ay lumaking malakas, marunong at kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 31, 2015

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=Cl2Gs_aALas

Ika-7 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 18-21
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Juan 1, 1-18

Mga Pagbasa – Huwebes, Disyembre 31, 2015
Ikapitong Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 18-21

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga anak, malapit na ang wakas! Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Kristo. Ngayon nga’y marami nang lumitaw na mga anti-Kristo, kaya’t alam natin na malapit na ang wakas. Bagamat sila’y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.

Ngunit ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu, at dahil dito, kayong lahat ay may pagkaunawa. Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa di ninyo alam ang katotohanan. Alam ninyo ito, at alam din ninyo na walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

Panginoo’y pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paparito sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.
Tugon: Magalak ang kalangitan, at daigdig ay magdiwang.

MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siyang bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Biyernes, Enero 1, 2016

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=aUDU_sM-B9o

Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Kami’y iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal.

Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21

Mga Pagbasa – Biyernes, Enero 1, 2016
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos

UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27

Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:

Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.

Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.”

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Tugon: Kami’y iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal.

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Tugon: Kami’y iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Tugon: Kami’y iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Tugon: Kami’y iyong kaawaan, pagpalain, Poong mahal.

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.

Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Pagbasa – Sabado, Enero 2, 2016

$
0
0

https://www.youtube.com/watch?v=othPFcurUGc

Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno
mga Obispo at Pantas ng Simbahan

1 Juan 2, 22-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Juan 1, 19-28

Mga Pagbasa – Sabado, Enero 2, 2016
Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno, mga Obispo at Pantas ng Simbahan

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 22-28

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.

Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Kristo: buhay na walang haggan.

Ang isinulat ko sa inyo ay ang tungkol sa mga nagnanasang magligaw sa inyo. Ang Espiritu’y ipinagkaloob na ni Kristo sa inyo. At habang siya’y nananatilo sa inyo, hindi na kailangang turuan kayo ninuman. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay, at totoo ang itinuturo niya – hindi kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Kristo.

Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya at hindi tayo mahiya sa kanya sa araw na yaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas/
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

MABUTING BALITA
Juan 1, 19-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. “Kung gayo’y sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi po,” tugon niya. “Ikaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, “Hindi po.” “Sino ka kung gayun?” Tanong nila uli. “Sabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, “Ako ‘Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyahan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Viewing all 4215 articles
Browse latest View live